Sali-Salin: Danas at Usapin ng Pagsasaling Lokal at Internasyonal

For privacy reasons YouTube needs your permission to be loaded.

Description:

Sa pagtutulungan ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman at Center for Open and Digital Teaching and Learning ng UP Open University (UPOU), at pakikiisa ng mga ekspertong tagasalin, guro, at manunulat, inihahatid ang ikapitong episode ng TalaSalitaan Online: Talakayan sa Wikang Filipino, Akademya, at Bayan. Tuklasin ang papel ng pagsasalin ng mga akdang pampanitikan sa pagpapalaganap ng kaalaman at kultura sa lokal at internasyonal na antas. Sama-sama nating alamin kung paano nagkakaugnay ang wika, kultura, at pananaw sa pamamagitan ng salin. Kaya makisali sa salin!

Mga Tagapagsalita:

1. Dr. John E. Barrios, Kawaksing Propesor, Editor, Tagasalin, Manunulat, at Guro sa Panitikan, Unibersidad ng Pilipinas Visayas

2. Kat. Prop. Amado Anthony G. Mendoza, Katuwang na Propesor, Tagasalin, at Manunulat, Unibersidad ng Pilipinas Diliman

3. G. Adrian Pete Pregonir, Guro, Manunulat, at Tagasalin, Pamantasang Notre Dame ng Marbel Tagapagpadaloy: Gng. Katherine T. Jayme, University Extension Specialist, Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman

Halina’t makilahok sa isang oras na talakayan tungkol sa wikang Filipino, akademya, at bayan!