Gender and Technology
Description:
Sa video na ito, tinatalakay ni Asst. Prof. Roda Tajon, Assistant Professor ng Faculty of Management and Development Studies at Direktor ng Office of Student Affairs, ang ugnayan ng kasarian at teknolohiya at kung paano ito humuhubog sa digital gender divide. Binibigyang-diin din niya ang papel ng kasarian sa paghubog ng teknolohiya, ang impluwensya ng feministang pananaw, at ang pangangailangang baguhin hindi lamang ang akses kundi pati ang kultura sa loob ng industriya ng teknolohiya. Itinatampok ang kahalagahan ng kritikal na pagsusuri upang maunawaan kung paano nakaaapekto ang teknolohiya sa pagkakapantay-pantay ng kasarian sa makabagong panahon.